Monday, June 25, 2012

Ninja - Nagpakita!

Mga kapuso! Isang insidente ang naganap sa Club Balai Isabel sa Batangas noong ika-23 ng Hunyo, taong kasalukuyan. Isang grupo ng mga ekskarsyunistang nagdaos ng kanilang team building kung tawagin ang sangkot sa insidenteng ito!

Maaksyon ang naganap na balikatan exercise sa nasabing lugar kung saan kinailangang tapusin ng mga myembro ang obstacle course nito sa pinakamabilis na paraan! Naunang tumakbo ang isang makisig at mayamang sundalong kinilala sa pangalang Don Juan! Mabilis nitong tinapos ang course na  ultimo lumalaban sa World War. Nang matapos ito ay hudyat na ng susunod sanang myembro para tumakbo. Ngunit sa hindi inaaasahang pangyayari na ikinagulat ng lahat - isang ninja ang nagpakita!

Narito po ang footage ng nasabing insidente. Pasok!


Friday, August 21, 2009

24 Oras

MAKATI - Isang grupo ng programmer na nagtatrabaho sa PTI (mo) ang natagpuang nakahandusay sa loob ng conference room ng kanilang opisina alas-4 ng madaling araw, ika-22 ng Agosto. Ang mga biktima ay nakilalang sina Herbert Sabanal (23), Lisette Nonato (21), Lloyd Miguel (23), at Monna Lissa Olaes (16).

Ayon sa ilang nakasaksi, may isang kahina-hinalang babae ang nagpapatrolya sa isang fastfood restaurant malapit sa opisina ng mga biktima. Sa tingin nila ay may kinalaman ang babaeng ito sa mga pangyayari. Pumasok daw ito sa restaurant at lumabas na may bitbit ng supot ng pagkain. Ang babaeng ito ay nakilala sa pangalang Christine Vizconde, 22 anyos.

Umakyat ito sa building ng PTI (mo) at sinugod ang mga nakahandusay na biktima - upang bigyan ng pagkain!

Ayun naman pala mga kapuso! 24 oras na palang nagtatrabaho ang mga programmer na ito.
At ang kahina-hinalang babae ay bumili lamang ng pagkain para ipakain sa kanyang mga kasama.

Dahil di natutulog ang programmer!